Factsheet ng Demolisyon sa Floodway, Pasig noong Pebrero 25
Pebrero 25, 2010 dakong alas-nuebe ng umaga nang dumating ang Pasig Action Line sa pamumuno nina Rolando Anselmo at nag-ngangalang ALLAN sa Basketball Court ng Purok 6 Eastbank Road Floodway, Brgy. Sta. Lucia Pasig City. Ang kanilang sadya ay i-demolis ang Basketball Court na pag-aari ng samahan.
I. TITULO: DEMOLITION (Basketball Court)
II. MGA TIPO NG PAGLABAG
Illegal Demolition
Physical Injury
Harassment
Intimidation
Robbery
Malicious Mischief
III. BIKTIMA/MGA BIKTIMA
GARY FRANCIS ENRIQUEZ
41 taong gulang, lalaki, may asawa
Presidente, Masang Pilipino Neighborhood Association
Purok 6 Eastbank Road Floodway, Brgy. Sta. Lucia, Pasig City
Nagtamo ng palo sa ulo, kinasuhan ng dis-obedient at resisting arrest, ikinulong ng tatlong oras
ELMER JABINES
40 taong gulang, lalaki, may asawa
Sgt. At Arms, Masang Pilipino Neighborhood Association
Purok 6 Eastbank Road Floodway, Brgy. Sta. Lucia, Pasig City
Kinasuhan ng dis-obedient at resisting arrest, ikinulong ng tatlong oras
FROILAN JABINES
28 taong gulang, lalaki, binata
Kapatid ni Elmer Jabines
Purok 6 Eastbank Road Floodway, Brgy. Sta. Lucia, Pasig City
Pinosasan at dinakip
IV. PETSA AT ORAS NG PANGYAYARI
Pebrero 25, 2010
Mula 9:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon
V. LUGAR NG PANGYAYARI
Basketball Court
Purok 6 Eastbank Road Floodway, Brgy. Sta. Lucia, Pasig City
VI. PINAGHIHINALAAN/MGA PINAGHIHINALAANG MAY KAGAGAWAN
PASIG ACTION LINE
ALLAN (malaking lalaki na nakasuot na itim na t-shirt at naka-shade)
ROLANDO ANSELMO (malaking lalaki na nakasuot na polong dilaw)
BONG DE LEON (nakapulang t-shirt)
Lalaking naka-shade, trabador ng actionline (pumalo sa ulo ni Gary Francis Enriquez)
TRABADOR NG ACTIONLINE (70 KATAO)
PASIG POLICE
CAPT. HENRY MISSION
CATIMBANG
GONZALES
MENDOZA
BCEO
ROGELION E. ESPINO
DANILO LORENZO JR.
CRIZALDY M. PADUADA
PASIG BLUEBOYS
OMANIA
NAGONZA
MACAPAGAL MAE
VII. BUOD NG PANGYAYARI
Pebrero 25, 2010 dakong alas-nuebe ng umaga nang dumating ang Pasig Action Line sa pamumuno nina Rolando Anselmo at nag-ngangalang ALLAN sa Basketball Court ng Purok 6 Eastbank Road Floodway, Brgy. Sta. Lucia Pasig City. Ang kanilang sadya ay i-demolis ang Basketball Court na pag-aari ng samahan.
Agad na hinarap ng mga opisyales ng samahan (Purok 6: Masang Pilipino Neighborhood Association) GARY FRANCIS ENRIQUEZ (Presidente), MARY ANN TRONGCOSO (Secretary), ELMER JABINES (Sgt. At Arms), kasama ang mga residente nito na 20 katao ang Action Line na may 20 trabador din na kasamang mag-gigiba upang makipag-usap.
Hinahanapan ng samahan ang Action Line ng court order sa paggigiba nila sa basketball court. Subalit WALA silang maipakita kaya di nila maituloy ang paggiba. Nang mga panahong ito nag-text barrage na si Mary Ann Trongcoso sa mga lider ng BALIKWAS MARALITA (isang Alyansa upang tutulan ang demolisyon sa kahabaan ng Floodway).
Mga bandang 9:45 ay nagsidatingan na ang mga lider ng BALIKWAS kasama sina RUDY VILLAREAL (Auditor, Purok 1), EMMA OMADTU (Presidente, Samahan ng Magkakapitbahay sa Rosario Westbank), RAUL LEONES (Bise-Presidente, Samahan ng Magkakapitbahay sa Rosario Westbank), MARIKIT NIEGOS at EMILY DOCTOR (Blk. 8 Maybunga) at 4 pang residente ng Rosario.
Sa kabilang banda, dumating na rin ang Pasig Police sa pamumuno ni Capt. Henry Mission, BCEO at Pasig Blueboys sa lugar. Patuloy pa rin ang pakikipag-negosasyon ng samahan at katuwang na BALIKWAS upang huwag ituloy ang pagdemolis sa basketball court.
Mga dakong 11:00 ng umaga dumating na si BONG DE LEON dala ang mga dokumento (Executive Order 854 at Supreme Court Resolution sa Manila Bay) itong mga dokumentong ito ang sinasabi nilang court order. Subalit dahil walang malinaw na basehan ito upang i-demolis ang basketball court di pa rin maituloy ang paggiba. Dumating na rin ang pangalawang batch ng actionline na tinatayang 50 katao.
Mga bandang 12:00 na nang tanghali, sa pag-aakalang wala nang demolisyong magaganap, nagsiuwian na ang mga residente ng Purok 6 pati na rin ang mga lider ng BALIKWAS upang kumain ng tanghalian. Mga 5 katao na lang ang naiwan sa basketball court kasama sina Mary Ann Trongcoso at Rebecca Fanio.
Mga 12:20 nang mag-utos si ROLANDO ANSELMO, ALLAN at BONG DE LEON sa mga trabador ng action line (70 katao) na simulan na ang pag-gigiba sa basketball court. Nagulat ang mga residente at di na naka-alma dahil mas marami ang action line.
Dahil nakalock ang basketball court, “nag-over the bakod” na ang actionline at nagsimulang maggiba. Nagkaroon na nang mga commotion sa pagitan ng actionline at mga residente. Dito naganap ang pagpoposas ni CAPT. HENRY MISSION kay ELMER JABINES, kagyat na umawat ang asawa ni elmer (JOAN REGUAL)pati ang kapatid nito na si FROILAN JABINES at si GARY FRANCIS ENRIQUEZ. Subalit pati si FROILAN JABINES ay pinosasan din ni CATIMBANG at pilit na dinadala sa mobile sina ELMER at FROILAN. Sa pag-awat ni GARY FRANCIS ENRIQUEZ nang bigla na lang may pumalo sa kanyang ulo. Ayon sa saksi na si PABLITO LATI (residente ng Purok 6) trabador na actionline na naka-shade ang pumalo kay Francis.
Isinakay sa mobile sina ELMER JABINES AT FROILAN JABINES na pawang nakaposas, GARY FRANCIS ENRIQUEZ na duguan dahil sa palo sa ulo, sumama din sina ANALISA JABINES (kamag-anak ni Francis) at MARY ANN TRONGCOSO. Sina ROGELION E. ESPINO, DANILO LORENZO JR. at CRIZALDY M. PADUADA ang mga PASIG BCEO na nagdala sa PCGH. Pagkatapos malapatan ng lunas si Francis at sina Elmer at Froilan ay nakunan ng medical ay dinala na sa PASIG POLICE HEADQUARTERS. Dito ay kinasuhan ng DISOBEDIENT AT RESISTING ARREST sina GARY FRANCIS ENRIQUEZ at ELMER JABINES at nakulong ng mahigit 3 oras.
Samantala, sina OMANIA, NAGONZA at MACAPAGAL MAE ang mga PASIG BLUEBOYS na umaresto sa nakapalo sa ulo ni GARY FRANCIS ENRIQUEZ na dinala umano sa Pasig Police Headquarters.
Sa kabilang banda, tuluy-tuloy ang ang pag-gigiba ng basketball court hanggang sa malanos na ito at ang mga bakal at ring ng court ay isinakay na sa trak ng pasig action line.
VIII. BACKGROUND NG USAPIN
Matapos ang Bagyong Ondoy noong Setyembre 26, 2009 na sumalanta sa mga residente sa
kahabaan ng Manggahan Floodway, Nobyembre 19, 2009 nang makatanggap ng Notice for
Demolition na nanggaling sa MMDA. Naglabas din ang Office of the President ng Executive Order 854 na nakasaad dito ang Revocation of Presidential Proclamation 1160 (Manggahan Floodway) and Presidential Procalamation 704 (Lupang Arienda) and Rehabilitation of Manggahan Floodway, Napindan Channel and Lupang Arienda.
May relocation site sa Calauan Laguna na inaalok ng local na pamahalaan ng Pasig. Ang lahat ng kukuha ay obligado na mag-self-demolition ng kani-kanilang mga bahay.
Dito nabuo ang BALIKWAS MARALITA (Bayan Laban sa Kahirapan para sa Wastong Paninindigan) isang alyansa sa kahabaan ng Manggahan Floodway (Brgy. Maybunga, Rosario, Sta. Lucia) na nagkakaisang tutulan ang demolisyon at manatili hanggang walang malinaw na programa ang gobyerno. Ang lahat nang mga kasaping organisasyon ng Balikwas ay pawang mga hindi kumuha ng pabahay sa Calauan, Laguna.
Kung kaya’t ang mga residenteng kumuha lamang nang pabahay sa Calauan, Laguna ang dapat na gibain ang mga bahay ng Pasig Action Line dahil nakasaad ito sa waiver na kanilang pinirmahan.
Similar entries
- Pahayag ng pagkakaisa ng mga mamamayang nakatira sa tabing-riles ng Pacwood at RMT Site, Tunasan, Muntinlupa City
- Testigo December 2009 Special Issue: NCR ESCR Documentation 2009
- Pusisyon ng mamamayan ng Navotas hinggil sa mga proyekto sa lugar (2)
- Pahayag ng pagkakaisa ng mga mamamayang biktima ng demolisyon, kawalan ng kabuhayan, pabahay at katarungan sa tabing-riles ng Muntinlupa City
- Balance Piston sa Mindanao, tinututulan ng grupong KAWAGIB
- Pahayag ng pagkakaisa, paninindigan at kahilingan ng maralitang mamamayan ng National Bilibid Prison
- Banta ng demolisyon sa kabahayan ng North Harbor, pinalagan ng manggagawa at maralita!
- KARAPATAN National Capital Region 2009 ESCR Documentation
- Pusisyon ng mamamayan ng Navotas hinggil sa mga proyekto sa lugar (1)
- Hinggil sa Proyektong Embarcadero


