KAWAGIB, kinondena ang pamamaslang sa lungsod at nanawagan ng Hustisya para sa mga biktima
September 19, 2010 | Cotabato City- Mariing kinondena ng mga progresibong grupo ang pamamaril sa lungsod kung saan karamihan sa mga biktima ay mga kababaihan na walang kalaban-laban. Pinakahuling insidente ang pamamaril noong na kumitil sa buhay ni Bailyn Bandila, isang empleyado ng pamahalaan ng lungsod habang sugatan ang dalawa pa.
Umapela ang grupo ng KAWAGIB Moro Human Rights sa Local Government at PNP na resolbahin kaagad ang mga kaso ng pamamaril at parusahan ang mga nagkasala upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
Laganap ang pamamaslang sa bansa at may nananaig na kultura ng pagkatakot at karahasan kaya’t hindi nareresolba ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao. Lalo pang nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga salarin na gawin ang pagpaslang kahit sa mataong lugar.
Ayon pa sa grupo, kung magpapatuloy ang ganitong kultura ng Impunity, lalo pang darami ang kaso ng mga pagpaslang at magkakaroon ito ng epekto sa pamumuhay ng Cotabatenos lalo na sa ekonomiya ng lungsod.###
Similar entries
- Dagdag na kagamitan pandigma ng AFP, pinangangambahang paghahanda ng gyera sa Mindanao
- Balance Piston sa Mindanao, tinututulan ng grupong KAWAGIB
- Pahayag ng pagkakaisa ng mga mamamayang biktima ng demolisyon, kawalan ng kabuhayan, pabahay at katarungan sa tabing-riles ng Muntinlupa City
- Pusisyon ng mamamayan ng Navotas hinggil sa mga proyekto sa lugar (2)
- Pahayag ng pagkakaisa ng mga mamamayang nakatira sa tabing-riles ng Pacwood at RMT Site, Tunasan, Muntinlupa City
- Pusisyon ng mamamayan ng Navotas hinggil sa mga proyekto sa lugar (1)
- Banta ng demolisyon sa kabahayan ng North Harbor, pinalagan ng manggagawa at maralita!
- Hinggil sa Proyektong Embarcadero
- Kadamay, miprotesta batok sa hulga sa demolisyon sa Bangkerohan
- Pahayag ng pagkakaisa, paninindigan at kahilingan ng maralitang mamamayan ng National Bilibid Prison


