Pakikiisa ng KMP-Masbate sa laban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita
Agusto 18, 2010 | Mula sa nagkakaisang sektor ng mga maralitang magsasaka sa buong probinsya ay malugod naming ipinapa-abot ang pagpupugay at lubusang pagsuporta sa walang humpay na ipinapaki-paglaban ang tamang prinsipyo at paninindigan laban sa pamunuan ng Hacienda Luisita Incorporated, (HLI). sa mga kapanalig nitong mga pulitiko at mga mayayamang mga angkan na kumokontrol sa pang-ekonomiya ng mga manggagawa at magsasaka. para sa tunay na reporma sa lupa.
Kaisa ninyo kami sa lahat ng inyong pagkilos laban sa mga pang-aapi at pagsasamantala ng mga naghaharing-uri sa lipunan na mga nasa poder sa pamahalaan kasama ang kanilang mga angkan na kumakamkam ng mga kalupaang sinasakahan ng mga pobreng magsasaka, kakutsaba ang mga ahente ng gobyerno na sumisikil sa karapatan ng mga mahihirap na namumuhay at nagsasaka sa lupang kinagisnan. Kami ay biktima rin ng mga mapanlinlang na batas na ginagamit ng pamahalaan na pabor sa mga mayayamang lokal at dayuhang kapitalista na umuokupa ng malalawak na mga lupain sa probinsya para sa kanilang pansariling interes. Kasosyo ang mga ganid at gahaman sa poder na mga pulitikong direkta at indirektang namumuno sa pamahalaan na tahasang nananakot, nagpalayas at pumaslang sa maraming mga magsasakang naninirahan sa kanayunan gamit ang mga bayarang kriminal, pulis at militar. mga tiwali at kurakot na mga ahente ng pamahalaan na namamahala sa ahensyang pang agrikultura na dagdag pang nagpapahirap sa sambayanang Masbatenyo.
Sa mga kaapihang ito, na ating dinaranas alam nating lahat na tanging pagkaka-isa at sabay-sabay na paglunsad ng mga pagkilos. Maging sa lansangan mula sa kanayunan. Upang palaganapin at isigaw ang mithiing makamtan ang tunay na kalayaan at karapatan sa lupang sinasakahan sa gabay ng Demokratikong Pakikibaka.
IPATUPAD ANG TUNAY NA REPORMA SA LUPA!!!
ITIGIL ANG MILITARISASYON SA KANAYUNAN AT KALUNSURAN!!!
ITIGIL ANG PANANAKOT, EKSTRA HUDISYAL NA PAGPATAY!!!
ITIGIL ANG DAYUHANG PAGMIMINA!!!
Michael B. Panghubasan, Tagapangulo
Similar entries
- Paninindigan ng mga Magsasaka sa Kabikolan Kaugnay sa Hacienda Luisita / Compromise Agreement, sa Hacienda Peralta sa Sorsogon at sa iba pang mga Usapin sa Lupa sa Kabikolan
- Pahayag ng pagkakaisa, paninindigan at kahilingan ng maralitang mamamayan ng National Bilibid Prison
- Pahayag ng pagkakaisa ng mga mamamayang biktima ng demolisyon, kawalan ng kabuhayan, pabahay at katarungan sa tabing-riles ng Muntinlupa City
- Pahayag ng pagkakaisa ng mga mamamayang nakatira sa tabing-riles ng Pacwood at RMT Site, Tunasan, Muntinlupa City
- Pusisyon ng mamamayan ng Navotas hinggil sa mga proyekto sa lugar (2)
- Hinggil sa Proyektong Embarcadero
- KrisisMas: kahimtang han mga parag-uma ha Sinirangan Bisayas
- Piketlayn itinayo sa ABS-CBN
- Pusisyon ng mamamayan ng Navotas hinggil sa mga proyekto sa lugar (1)
- Banta ng demolisyon sa kabahayan ng North Harbor, pinalagan ng manggagawa at maralita!


